Tuesday, October 8, 2013

LATE na kung late..! PS Class Sofia DAY 4

"Teacher Dad, Driver, Bodyguard at Ironman...san ka pa?"
04 October 2013

OMG..8:30 na ng umaga.

"Bakit di kayo nang gising...?"
Dali dali akong tumayo...pupungas pungas
na tinanggal ang mga muta sa mata...
isinisigaw ang....

"Sofiaaa... gumising ka na...!
male-late na tayoooo."

Naalala ko tuloy ang mahal kong ina tuwing
ako ay gigisingin para pumasok ng ROTc
tuwing araw ng linggo. Parehong pareho
ang istilo namin sa pag gising ng mga anak.

Dumeretso ako sa kusina, clinick ang initan ng tubig,
at nag lagay na ng kape, asukal at gatas sa
mug habang hinihintay ang pag init ng tubig.

Sabay sigaw ng...."Sofia...ano ba? papasok ka ba o hindi?"
at sa may ilalim ng kumot sa bandang dulo ng flat
namin ay maririnig mo ang..."opooo, tatayo naaa".

Tamang tama naman at mainit na ang tubig
at pwede ng mag kape bago maligo...
"Bata ka...asan ka na ba?" sigaw ko ulit.

"Andito na sa banyooo.." at pagkaraan ng ilang sandali
lumabas na si Sofia.

"Ano ba yaaan?" sabi ko.
"Baka habulin ka ng plantsa niyan ah..."
(mga salitang namana ko rin sa aking ina).
"akina nga at ng ma-plantsa yang t shirt mo" sabi ko ulit na naiinis.

Pag katapos ko ng pamamalantsa.Doon pa lang
ako nag umpisang mag banyo...bigla kong naisip
na kung narito lang ang nanay...malamang sabihan ako
noon na..."magpahinga ka muna bago maligo...mapapasma ka nyan".
Na madalas ko na rin sabihin sa aking mga anak.

Alas diyes ang umpisa ng klase ni Sofia sa Photoshop
at alas nuwebe y medya ay narito pa kami sa bahay...
at nag aayos pa rin ng laptop na dadalhin sa school.

Eksaktong 9:35am kami umalis ng bahay...nagmamadaling
magmaneho para umabot sa klase ni Sofia (mahirap kasing
mahuli...mauubusan ka ng parking at upuan naman sa loob
ng klase).

"Late na kung late...hmmp.!"

10:10am kami dumating sa klase...at ang mga classmate
ni Sofia ay nasa labas pa ng classroom...naghihintay.

"Akala ko late na kami...hhaaayyyzz..."

10:20am na kami pinapasok sa loob.
Akala ko late na kami...

Day 4 Lesson: Image Size & Lasso Tool Cropping






No comments:

Post a Comment